Newcomers Services Tagalog

Mga PROGRAMA at SERBISYO

 

Para matulungang makaagapay sa Canada ang isang bagong dating at ang kanyang pamilya

Kung ikaw at ang iyong pamilya ay bagong dating o refugee sa Canada, maligayang pagdating!
Kami ay handang tumugon sa inyong mga katanungan at magbigay ng angkop na suporta upang makatulong na makaagapay sa buhay ninyo sa Canada sa pamamagitan ng mga sumusunod na serbisyo:

Mga Serbisyo para matulungang makaagapay sa Canada ang isang bagong dating at ang kanyang pamilya:  

  • Magbigay ng impormasyon at tulong sa pagpapatala/pag-a-apply sa mga serbisyo at benepisyong Federal and Provincial (PR, SIN, MSP, IFH, CTB, GST/PST, LINC, Citizenship, Passport/Visa, Income Assistance, PWD, EI, B.C. Housing, banking, etc.)
  • Magbigay ng isahan at grupohang impormasyon sa iyong sariling wika
  • Magbigay ng impormasyon sa pag isponsor ng pamilya
  • Libreng serbisyo sa pagsasalin sa iba-ibang wika
  • Karagdagang tulong at referrals sa mga local na serbisyo para matulungang matugunan ang mga pangunahing pangangailangan tulad ng Food Aid
  • Magbigay tulong/suporta sa pag-a apply sa pang pamahalaang programang Ingles/mag refer sa mga local at katuwang na tagapagbigay ng serbisyo sa Kalakhang Vancouver

Propesyonal na Suporta:

  • Personal na suporta sa bagong dating at magsagawa ng plano upang makatulong na matugunan ang pangangailangan sa paglalakbay sa lipunan ng Canada
  • Pang isahang suporta upang harapin ang mga kinakaharap na personal at pang-lipunang usapin
  • Pagtulong/pagsama na matugunan ang pangangailangan na makaagapay sa pamayanan (ayon sa rekomendasyon ng Health Authorities sa panahon ng pandemya)
  • Pagbisita sa tahanan bilang suporta sa pag ayos ng kabuhayan/pangkalusugan (ayon sa rekomendasyon ng Health Authorities sa panahon ng pandemya)
  • Magbigay ng tulong sa upang makamit ang layunin
  • Mag-refer sa mga local na pang publikong programa at serbisyo sa Kalakhang Vancouver

Pangmatagalang Koneksiyon at Pakikilahok sa Pamayanan at Pinagsamang Pang-lipunan at Pang-kabuhayang Suporta:  

  • Pagkunekta at pakikilahaok sa mga gawaing panlipunan at pag boluntaryo sa pamayanan
  • Serbisyo tungkol sa paghahanap ng trahaho tulad ng pagbibigay tulong sa mga landasing pang karera, ugnayang panghanapbuhay at mga kasanayan, paggawa ng resume at iba pa.
  • Pangkabuhayang Pagsasanay para sa mga Kabataan sa pamamagitan ng 3 antas ng kasanayan sa pamumuno at pagbibigay suporta sa kahandaan sa paghahanapbuhay
  • Pagbibigay impormasyon at pagbabahagi ng pansariling kultural na karanasan at pagpapahalaga upang makasali at makapagbigay ng knotribusyon sa maraming kultura ng Canada

Referrals/Impormasyon sa Panloob na Programa para sa pangkalahatang edad:

Mga programa tungkol sa mga bata: pre-school/afterschool/day camps, school-age childcare, family drop-in programs, programang pangkabataan at pang pamilya, ibat-ibang programa at serbisyo sa mga seniors, Boluntaryong Serbisyo, Tugon sa pangangailangan sa pagkain, community kitchens, suporta sa paggawa ng income-tax, tulong pang legal, pag-aaral para sa mga adults, pag-aaral ng pangteknolohiya para sa mga bagong dating at pagbibigay ng pagkakataon sa pakikilahok at pakikiisa sa mga gawaing pampamayanan. 

 

Welcome to BC – Orientation for Newcomers

Contact our Case Manager to register for orientations!

 

Makipag-ugnayan sa amin:

  Email: AvelinaD@burnabynh.ca

Cell:    236-889-4065 

Office:     604-431-0400

 
 

.

Burnaby Neighbourhood House is a charitable, non-profit organization, located on the traditional, unceded territories of Coast Salish people – the sḵwx̱wú7mesh (Squamish), sel̓íl̓witulh (Tsleil-Waututh), and xʷməθkʷəy̓əm (Musqueam) Nations. 

  .

We are a volunteer driven community-funded agency with a unique focus on neighbours supporting neighbours.

Scroll to Top